credits to: https://steemit.com/poetry/@tinkerrose/tula-poetry-13-kabataan-kayo-ay-pag-asa-pag-gunita-ngayong-hunyo-dose
Ang kabataan ang
pag-asa ng bayan. Ang kabataan ang magpapaunlad sa susunod na henerasyon. Ang
kabataan ang mag-aangat sa Pilipinas. Pag-asa pa nga ba tayo ng bayan? Kaya nga
ba natin mapaunlad ang susunod na henerasyon?
Mapapa-angat nga ba natin ang pilipinas o tayo pa ang magpapa-bagsak dito?
Maaaring ang ilan sa inyo ay sasagot ng hindi na. Para sa akin, kung magsisikap
tayong mga kabataan maaari pa rin tayong matawag na pag asa ng bayan. Kung
babaguhin lamang sana natin ang mga maling kaugalian natin sa panahon ngayon.
Bumalik tayo sa
nakaraan. hindi ba't tuwing ika-anim ng gabi ay nasa loob na ng kani-kaniyang
bahay ang lahat. Ang pananamit ang kilos ng kabataan ay kagalang galang.
"Maria clara" nga kung sila'y ating tawagin. kung gusto naman ng isang
binata ang isang dalaga ay hindi niya agad nakukuha ang matamis na oo ng
dalaga, Kailangan pa sumuot sa butas ng karayom. Sa ilang programang napapanood
natin sa telebisyon, kailangan munang mamanhikan ng lalaki upang masigurong
magiging maalwan ang buhay ng kanilang anak sa piling ng lalaki. Ang mga
kabataan noon ay masunurin, magalang, walang bisyo at maka-diyos. Ang mga
kabataan din noon ay tutok sa kanilang pag-aaral.
Subalit ngayon, napakadali na lamang para sa lalaki
na mapa sagot ang isang babae. Ang ilan nga'y sa text nagkakaligawan at
nagkakatuluyan. Maging sa pananamit, karamihan sa mga kadalagahan ngayon ay
hindi na iginagalang ng ilang kabataan ang kanilang magulang at hindi na rin
sila marunong sumunod. Karamihan din sa kabataan ngayon ay wala ng ibang
inatupag kundi mag-dota. Hindi iniisip kung ano ang hirap na dinaranas ng
kanilang magulang mapag aral lamang sila. Nakakalungkot man isipin, ngunit ito
na ang larawan ng kabataan ngayon.
Tayong mga kabataan
lalo na sa mga kababaihang katulad ko, dapat nating tandaan, balikan at muling
isabuhay ang mga kaugalian noon. wala man ito sa uso ngayon ngunit maaari natin
itong ibalik sa uso. Subalit ano pa man ang mga kabataan noon at ngayon, ang
mahalagay hindi natin malimutan ang winika ni Rizal na ang kabataan ang pag asa
ng bayan. Mga mahal kong kamag aral, kaklase at kapwa ko kabataan sama sama at
tulong tulong nating patunayan na ang kabataan pa rin ang pag asa ng bayan
patunayan natin na kaya natin mapaunlad ang susunod na henerasyon. Patunayan
natin kaya nating iangat ang pilipinas sa kasalukuyang estado nito. oras na
para kumilos dahil ako, ikaw, sila, tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
|
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento